LILINAWIN | DOLE, aamyendahan ang total deployment ban order ng mga OFW sa Kuwait

Manila, Philippines – Aamyendahan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang total ban ng mga Pinoy worker sa Kuwait matapos umalma ang ilang manggagawang Pinoy na nakabakasyon lang sa Pilipinas.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) administrator Bernard Olalia, kabilang sa mga balak alisin sa deployment ban ang mga may aktibong kontrata o mga may bagong kontrata at babalik sa dating employer o trabaho.

Hindi umano kasi malinaw sa kanila ang inilabas na kautusan ng gobyerno na nagbabawal sa pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait.


Nilinaw naman ni Olalia na sakop ng ban ang mga may bagong employer.

Tiniyak naman ng Malacañang na hindi pipiliting umuwi ang mga OFW sa Kuwait kung ayaw.

Kinakailangan din ng isang bilateral agreement para maalis ang total deployment ban sa Kuwait.

Facebook Comments