LILINISIN ANG PANGALAN | Itinuturong recruiter ni Joana Demafelis, sumuko

Manila, Philippines – Boluntaryong sumuko sa PNP-CIDG ang recruiter ng OFW na natagpuang patay sa loob ng freezer sa Kuwait na si Joanna Demafelis.

Ang recruiter na si Agnes Tuballes ay nasa kustodiya na ngayon ng PNP.

Isinuko umano ni Tuballes ang kanyang sarili upang linisin ang kanyang pangalan.


Nakiramay din ito sa pamilya Demafelis sa nangyari kay Joanna.

Ayon kay Tuballes, naagapan sana ang nangyari kay Joanna kung nakipag-ugnayan agad ang kanyang pamilya sa kanya.

Si Tuballes ay nag-refer kay Demafelis sa kanyang agency para makapagtrabaho sa Kuwait.

Magugunitang simula nang matagpuan ang bankay ni Demafelis na inabandona sa loob ng freezer sa apartment sa Kuwait ay pinatigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapadala ng mga OFW ssa sa nasabing bansa.

Facebook Comments