LILINISIN | “Tanggal Usok, Tanggal Bulok” campaign, tuloy tuloy pa rin

Manila, Philippines – Tuloy-tuloy ang kampanya ng I-ACT o Inter-Agency Council on Traffic sa ilalim ng “Tanggal Usok, Tanggal Bulok” campaign ng pamahalaan.

Sa interview ng RMN Manila kay I-ACT Communications Head Elmer Argaño, nilinaw niyang hindi lamang sila nakatutok sa mga lumang sasakyan kundi pati ang paglilinis sa illegal parking.

Sakop din ng kampanya ang paninita hindi lamang sa mga jeep kundi pati sa mga mauusok at lumang sasakyan gaya ng Bus, Taxi at UV-Express.


Aminado naman si Argaño na madalas silang nauunahan ng mga tsuper tuwing magsasagawa sila ng operasyon kung saan mas napaghahandaan ito ng mga jeepney driver.

Mahigit 200 pasaway na tsuper na ang nahuhuli ng I-ACT mula nang simulan ang nasabing kampanya noong January 8, 2018.

Facebook Comments