DAGUPAN CITY – Sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy, naitala ng Commission on Elections Dagupan ang pinakamaraming bilang ng naghain ng kanilang kandidatura para sa Halalan 2022.
Bago pa man magbukas ang tanggapan ng COMELEC Dagupan, nakaabang na sa Zamora St. ang mga supporters ng mga kandidatong naghain ng kanilang COC.
Pasado alas 8:00 ng umaga naghain ng kaniyang kandidatura si incumbent Mayor Marc Brian Lim para sa re-election.
Ayon kay Mayor Marc Brian Lim, nais nitong maituloy ang serbisyo para sa mga Dagupeño sa kabila ng nararanasang pandemya kung kaya’t nais nitong muling kumandidato sa Halalan 2022.
Kasama nitong naghain ng kandidatura ang representante ng kaniyang kapatid na si Victoria Czarina Lim na tatakbo bilang Vice Mayor.
Nagfile din ng COC ang kaniyang kapartido na sina Redford Erfe, Marilou Fernandez, Alipio Fernandez, Alexander Siapno, Maremil Tan, Mario Lim, Perry Fernandez, Celiam Lim, Alvin Coquia at Maria Librada Reyna.
Umaasa din ito na magiging malinis at mapayapa at ligtas na eleksyon.
Alas 9: 30 ng umaga sumunod namang naghain ng kandidatura ang dating Mayor ng lungsod na si Belen T. Fernandez na susubukin muling lumaban sa pagka Alkalde.
Ayon sa dating Alkalde, marami ang naghihirap na Dagupeño ang humihingi ng tulong sa kaniya kung kaya’t pinagbigyan nito ang kahilingan ng kaniyang mga taga suporta na tumakbo sa pagka Mayor.
Kasama nito ang kaniyang kapartido na si incumbent vice mayor Bryan Kua na isang re-electionist.
Nagfile din sa pagka konsehal si Guillermo Vallejos, Luis Samson, De Anna Decano, Jeslito Seen, Joshua Bugayong, Teresa Coquia, Danila Cayabyab, Dennis Canto, Kalos Reyna at Michael Fernandez sa slate ni Belen Fernandez.
Nagpatupad naman ng mahigpit na seguridad at health protocols ang otoridad sa huling araw ng COC Filing.