Lima, arestado matapos na maaktuhang gumagamit ng shabu

Manila, Philippines – Arestado ang limang kalalakihanmatapos na maaktuhang gumagamit ng shabu sa Brgy. Apolonio Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina Aron Barcelo, JerodTanega, Kevin Gargera, Jessie Gomez at Ronel Salvador.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya nakatanggap ngimpormasyon ang QCPD mula sa concern citizen na mayroong mga kalalakihan na gumagamit ng shabu.
Agad na nagtungo ang mga operatiba ng Station 1 ng QCPDat naaktuhang sumisinghot ng shabu ang mga suspek.
Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive DangerousAct ang kasong isasampa sa limang kalalakihan na naaktuhang gumagamit ng shabu.

Facebook Comments