Lima arestado sa ikinasang drug buy bust operation sa Pasay City

Kalaboso ang limang katao makaraang ikasa ng mga otoridad ang drug buy bust operation No. 1918 Tramo St., Barangay 57 Zone 8, Pasay City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Gil Efrain Buganan, Mary Jane Seno, Dennis Hernadez, Neil Jon Decillo at kapatid nito na isang 17-anyos na si alyas Kirat.

Ikinasa ng Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit ang operasyon matapos na makatanggap ng tip na talamak na nagbebenta ng droga ang mga suspek sa kanilang lugar maging sa kalapit na barangay.


Diskarte ng mga suspek na magbahay-bahay sa mga parokyano nito para bentahan ng iligal na droga tuwing umaga hanggang tanghali para iwas sita at huli lalo na mahigpit na ipinatutupad ang Enhance Community Quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19.

Sa ikinasang operasyon, nakuha sa mga suspek ang ilang mga drug paraphernalia, 41 sachet ng shabu na may bigat na 16 na gramo at nagkakahalgang P108, 000.

Aminado sila na nagbebenta ng droga para may panggastos sa kanilang pamilya lalo na at pareho-pareho silang walang trabaho pero ayaw naman sabihin kung saan at sino ang kanilang source.

Facebook Comments