Lima, arestado sa ilegal na sabong sa Pasay City

Kalaboso ang limang lalaki matapos masakote sa pagsasagawa ng ilegal na sabong sa Barracks Compound sa may Seaside kanto ng JW Diokno Blvd., Brgy 76 Zone 10, Pasay City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Jose Borral Jr., Wilson Guardame, Miguel Nolasco, Larry Balajadia at Marlon Cabansag.

Nabatid na isang concerned citizen ang nagsumbong sa mga otoridad hinggil sa ilegal na pagsasabong ng grupo ng mga kalalakihan sa naturang lugar kung saan umaabot pa ang pusta sa ₱60,000.


Agad na nagsagawa ng operasyon ang Sub-Station 10, Pasay City Police Station at pagsapit sa Barracks Compound, mabilis nila itong pinalibutan pero nakatakbo ang ilan sa mga ito kaya’t ang lima na lamang ang kanilang naaaresto.

Nakumpiska sa mga nadakip ang apat na manok na panabong, mga tari at perang pamusta na aabot sa ₱11,400.

Nahaharap ngayon ang limang naaresto sa paglabag sa Presidential Decree 449 o Illegal Cockfighting Law at Republic Act 11332 dahil sa hindi pagsunod sa physical distancing protocols.

Facebook Comments