Lima hanggang walo pang bagyo, inaasahang tatama sa bansa hanggang sa katapusan ng taon

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na posibleng lima hanggang walong bagyo pa ang tatama sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, posibleng isa o dalawa sa mga bagyo na ito ay maaaring makapaminsala nang husto o malakas

Dahil dito, nagsagawa na aniya sila ng mga Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) meetings hinggil dito gayundin sa epekto ng La Niña o ang wet season.


Mababatid na aabot sa 20 bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) taon-taon.

Facebook Comments