Inaasahang direktang tatama ng kalupaan ng Pilipinas ang nasa lima hanggang walong bagyo hanggang Marso.
Ito ang lumabas sa rainfall forecast ng Department of Science and Technology (DOST) mula October 2020 hanggang March 2021.
Ayon kay Science Secretary Fortunarto de la Peña, maraming lugar sa bansa ang makakaranas ng ‘near’ hanggang sa ‘above’ normal na rainfall conditions.
Ang mga nasabing bagyo ay inaasahang mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at palalakasin nito ang Northeast Monsoon o Hanging Amihan na maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa silangang bahagi ng bansa.
Sa ngayon, patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geohphysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang La Niña na opisyal nang umiiral sa bansa.