Lima katao arestado ng Parang MPS , Shabu at mga baril nakumpiska

Arestado ng Parang MPS ang limang indibidwal sa ikinasang operasyon sa Brgy. GT Biruar pasado alas otso kahapon ng umaga.

Nanguna sa operasyon si Parang Chief of Police PSupt Ibrahim Jambiran resulta sa pagkakaaresto sa mga drug suspects na kinilalang sina Esmael Samal Panaliente, 25, Dema Edzel Maguid, 32, Sukarno Ditaya Mindo, 36, Tarhata Sapal Talipasan ,55 at Abdulhamid Odin Paindo 49 kapwa mga residente ng nabanggit na Baranggay na nakumpiskahan ng dalawang jumbo sachet ng shabu, fragmentation grenade, cal. 22 rifle, 5pcs cal 45 ammo, 22pcs of 5.56MM ammo at isang rocket propeller grenade.

Kasalukuyang himas rehas na ang mga naaresto at nahaharap na sa mga kaukulang kaso.


Pics: Parang MPC

Facebook Comments