Friday, January 16, 2026

Lima katao arestado sa drug buy bust operation sa bayan ng Midsayap North Cotabato

Nahuli ang lima katao sa inilunsad na drug buy bust operation sa barangay Poblacion 8 sa bayan ng Midsayap North Cotabato dakong alas 9 kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga nahuli na sina Ryan Beit , 23 , Jordan Marcelino 18, Renante Badua alias Dante 38 anyos , Carlo Danilo Resian 25, at isang menor de edad.
Nahuli ang lima na aktong gumagamit ng illegal na droga. Nakuha mula sa kanila ang 500 pesos marked money, 3 bundle ng marijuana na may kasamang shabu.
Nasa kustodiya ngayon ng Midsayap Pnp ang limang mga suspect.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments