Isang malagim na aksidente ang naganap sa kahabaan ng Central Luzon Expressway (CLLEX) sa La Paz, Tarlac, umaga ng Agosto 12, 2025, bandang 7:55–8:00 AM, nang mawalan ng kontrol ang isang L300 FB na sasakyan at bumangga sa gilid ng daan. Sakay ng sasakyan ang 14 na indibidwal.
Sa naturang insidente, kumpirmadong lima ang nasawi habang siyam ang nasugatan, ayon sa ulat mula sa mga rumespondeng ahensya.
Labing-isa sa mga pasyente ang agad na isinugod sa Tarlac Provincial Hospital, habang tatlo naman ang dinala sa Jecsons Medical Center para sa karagdagang atensyong medikal.
Agarang tumugon ang Philippine Red Cross – Tarlac Chapter, na nagpadala ng Ambulansya 2071 na may apat na personnel upang respondehan ang isa sa mga pasyente at dalhin ito sa Tarlac Provincial Hospital.
Nag-set up rin ang PRC Tarlac ng isang Welfare Desk/Assistance & First Aid Station sa Tarlac Provincial Hospital na pinangangasiwaan ng mga welfare volunteers, RCY nurses, at EMS/SS personnel. Patuloy na naka-standby ang kanilang fleet ng ambulansya para sa karagdagang transport kung kinakailangan, at handa na rin ang mga kaayusan sakaling kailanganin ang suplay ng dugo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









