Lima pang bagong variant ng COVID-19, mahigpit na tinututukan sa iba’t ibang panig ng mundo

Maliban sa unang nadiskubre COVID-19 strain sa United Kingdom, lima pang bagong variant ng Coronavirus ang mahigpit na binabantayan ngayon ng mga eksperto sa ibat ibang panig ng mundo.

Batay sa ulat, mayroon ding South African variant na binansagan bilang 501Y.V2 na naitala sa sampung iba’t ibang bansa.

Iba rin ito sa nadiskubreng 1701V variant sa Malaysia at P681H variant na natuklasan naman sa Nigeria.


Sa Denmark naman, nakita ang cluster 5 variant na unang natuklasan sa hayop na minks.

Samantala, nananatili pa ring pinakamalawak at nangingibabaw na variant ng COVID-19 sa buong mundo ang D614G variant na siyang unang natuklasan sa China noong 2019 kung saan nasa 191 na bansa ang tinamaan na nito.

Naitala naman sa 41 bansa ang UK variant o VOC202012/01 na unang nadetect noong Disyembre.

Facebook Comments