Sa Zamboanga del Sur, anim patay habang 20 sugatan sa aksidenteng mawalan ng preno ang isang cargo truck

Anim katao ang binawian ng buhay matapos mawalan ng preno ang forward truck sa National Highway sa Purok 1, Brgy. Lemonan, San Miguel, Zamboanga del Sur.

 

Bandang alas-4;00 ng  hapon nang nag-malfunction ang brake ng truck na may sakay na 50 pasahero galing sa selebrasyon ng  kasal sa Buug, Zamboanga Sibugay.

 

Dead on the spot ang isang 2 taong gulang na bata kabilang na sina Jhon Brynt Alom Albaño, 19 –anyos,   Boboy Magallanes Cuesta, 34-anyos, parehong nakatira sa Brgy. Burawin, Tabina, Zamboanga del Sur.


Habang patay naman sa  pagamutan ang tatlong iba pa na sina Liza Berano, Elezabeth Magallanes at Reyan Salba.

 

Umabot naman 20 na pasahero ang nanatili sa pagamutan at posibleng mahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property.

Facebook Comments