Lima sa sampung batalyon na bubuuin ng AFP laban sa NPA, na-organize na

Manila, Philippines – Nakabuo na ang Armed Forces of the Philippines ng limang batalyon mula sa sampung batalyon na bubuuin ng militar laban sa New People’s Army na patuloy namamayagpag sa bansa.

Ayon kay AFP public affairs office chief marine col edgard arevalo isa sa limang batalyon ay ang 89th infantry batallion na nakadeploy na habang ang apat na binuong batalyon ay idedeploy sa buwan ng enero sa susunod na taon.

Io-organize naman ang lima pa batalyon sa unang quarter ng taong 2018.


Kukunin aniya nila ang lima pang batalyon sa 2500 pang irereruit na sundalo para sa 13,000 na qouta nila para sa recruitment ngayong taon.

Sa kabila naman ng pagbuo ng mga panibagong batalyon para labanan ang NPA inihayag naman ni arevalo na dumarami na ang mga sumusukong rebelde.

Facebook Comments