Lima sa walong Pinoy na nasugatan sa pagsabog sa isang restaurant sa Abu Dhabi, nakalabas na ng hospital

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi na ang lima sa walong Fililpino na nasugatan sa nangyaring gas explosion sa isang restaurant sa Abu Dhabi, UAE ay nakalabas na ng ospital.

Ayon sa DFA, ang tatlong iba pang Pinoy na biktima ng pagsabog ay nagpapagaling pa sa dalawang magkahiwalay na pagamutan doon.

Patuloy naman na minomonitor ng Philippine Embassy ang sitwasyon ng mga nadamay na Pinoy sa naturang pagsabog, dalawang iba pang Pinoy ang binawian ng buhay.


Facebook Comments