LIMAMPUNG ESTUDYANTE SA DAGUPAN CITY, BAGONG BATCH NG MGA BENEPISYARYO NG SPES

Nasa limampung estudyante sa Dagupan City ang bagong benepisyaryo sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES).

 

Ang nasabing programa ay hatid ng Department of Labor and Employment, LGU at ng PESO.

 

Ayon kay PESO Manager Joy Siapno, ang mga nasabing benepisyaryo ang bumubuo sa panibagong batch sa ilalim ng programa.

 

Tumanggap ang mga ito ng 60% ng kanilang salary (P7,011.24), habang magmumula naman sa DOLE ang 40% (P4,588.78) para sa total na P11,600 bawat benepisyaryo.

 

Isa ang programa sa nagbibigay karanasan sa mga estudyante pagdating sa pagtatrabaho, matuto mula rito at katumbas rin ng kanilang summer job.

Facebook Comments