Napagtagumpayan na ng limampu’t isang indibidwal ang higit isang taong pagpapagamot at rehabilitasyon ng mga ito sa loob ng Dagupan Treatment and Rehabilitation Center (DTRC) na matatagpuan sa Brgy. Bonuan Binloc, Dagupan City.
Sa pagtatapos na ito, sinabi ni DTRC Medical Chief, Rosalina Caoile na ang mga kabilang dito ay lalabas sa pasilidad ay malaya na sa droga o drug-free na at nakakitaan ang mga ito ng positibong pananaw sa kanilang buhay.
Ayon pa kay Caoile, na pagkatapos ng graduation ng mga ito ay kanila pa ring sundin at ipapatuloy ang healthy lifestyle, maghanap ng trabaho o kaya naman ay magpatuloy sa kanilang pag-aaral hangga’t maaari.
Kailangan aniyang magkaroon ng kumpletong realisasyon ang mga ito sa kung ano ang mithiin sa kanilang mga buhay.
Idinagdag ni Caoile na ang pagamutan ay magbibigay ng tuloy-tuloy na tulong kasama ang LGU Dagupan upang mapanatili ang pagbangon ng mga nagsipagtapos.
Hinimok naman ni DOH – Ilocos Regional Director Paula Paz M. Sydiongco, na huwag na huwag na silang babalik sa buhay na kanilang naranasan na walang kinabukasan at walang patutunguhan kundi kulungan at kamatayan.
Samantala, ang DTRC ay isang rehabilitation facility ng gobyerno na nagbibigay ng abot-kaya, de-kalidad, at napapanatiling rehabilitative na mga serbisyo sa mga kliyente ng pang-aabuso sa droga anuman ang katayuan sa buhay at tinutulungan ang mga nalulong na manumbalik sa komunidad bilang ginagawa silang malusog at produktibong mga indibidwal na katanggap-tanggap sa lipunan.

Facebook Comments