LIMANDAANG MURANG PABAHAY, ALOK SA MGA RESIDENTE NG BAYAN NG ASINGAN; MEMORANDUM OF UNDERSTANDING, PIRMADO NA

Pirmado na ng lokal na pamahalaan ng Asingan at ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang kasunduan ukol sa pagpapatayo ng murang pabahay para sa mga residente ng bayan.
Sa ilalim ng Memorandum of Understanding na inaprubahan, nakapaloob dito ang nasa 500-housing units, condo type na pabahay at may sukat 27-square meters ang bawat isa nito.
Target na ipatayo ito sa lalong madaling panahon ngayong taon at aabutin ng hanggang 6-8 na buwang konstruksyon.

Ayon sa alkalde ng Asingan, maaring maka-avail ang mga residenteng naghahanap ng pabahay kung kaya ng mga benepisyaryo na bayaran ito ng PHP70 kada araw o PHP2,500 isang buwan na walang downpayment.
Ayon pa sa alkalde, tuloy-tuloy na ang proyektong dahil aprubado na ito.
Nagpapasalamat ang LGU sa pamahalaan dahil mayroong ganitong proyekto ang pamahalaan upang mabawasan ang mga Pilipinong walang permanenteng tahanan. |ifmnews
Facebook Comments