LIMANG BAGONG MODERNIZED JEEPNEY UNITS SA MANAOAG, INILUNSAD

Patuloy na isinusulong ang commuter-friendly na pampublikong transportasyon sa Manaoag kasunod ng limang bagong Modernized Public Utility Jeepney Units na inilunsad sa bayan.

Tatlo sa mga unit ang may rutang Dagupan City- San Fabian habang dalawa naman sa rutang Dagupan City-Manaoag.

Layunin ng karagdagang units na gawing moderno at ligtas ang sektor ng pampublikong transportasyon para sa mga commuter sa bansa sa ilalim ng Public Transport Modernization Program ng Department of Transportation.

Kaugnay nito, ilang mga bayan sa Pangasinan ang patuloy na ginagawaran ng Special Notice of Compliance sa Local Public Transport Route Plan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board na nagsisilbing balangkas ng mahusay at pinag-aralang public transport system sa isang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments