Umabot ng limang bahay ang tinupok ng apoy matapos masunog ngayong umaga ang isang residential area sa bahagi ng Jhocson St. Barangay 408 Sampaloc, Manila malapit sa National University.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection National Capital Region (BFP-NCR), nagsimula ang sunog sa bahay na pagmamayari ni Adeliada Ingcad, 72-anyos, pasado alas-5:44 ngayong umaga.
Dahil gawa sa kahoy ang mga kalapit na bahay, agad na kumalat ang apoy dahilan para itaas ng ikalwang alarma ang sunog pasado alas-5:48 ng umaga.
Idineklara ng BFP-NCR ang fire under control pasado alas-6:27 ngayong umaga at pagkalipas ng labing limang minuto, ideneklara naman na fire out na ang nasabing sunog.
Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP-NCR, mula sa sinidigang kandila ang dahilan ng sunog dahil brownout o walang kuryente sa nasabing lugar.
Kahit umabot ng 30 pamilya ang naapektuhan ng sunog ay wala namang naitalang nasugatan nang dahil sa insidente.
Tinatayang nasa 60,000 na halaga ng mga ari-arian na tinupok ng sunog.