Apat na Bahay sa Squaters Area ng Santiago City, Nasunog!

Santiago City – Nasunog ang apat na bahay pasado alas diyes ng umaga, April 28, 2018 sa Purok 2, Mabini, Santiago City, Isabela.

Ang mga biktima ay sina Emie Tugas, Renato Espinosa Jr., Lorna Asuncion at Dante Espinosa  na pawang mga residente ng Mabini, Santiago City partikular sa Squatters area ng naturang lungsod.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, may kaugnayan sa electrical wirings ang unang nakikita ng BFP Santiago City na naging sanhi ng sunog na naunang nagsimula sa bahay ni ginang Emie Tugas.


Tumagal sa mahigit dalawampung minuto bago naapula ang sunog.

Sa ngayon ay Inaalam pa ng BFP Santiago City kung ano ang talagang naging sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga natupok na bahay.

Facebook Comments