Limang bansa ang nagpahayag ng suporta sa Pilipinas sa pagkondena sa China matapos ang insidente ng panghaharang at pambobomba ng water cannon sa resupply boats natin na magtutungo sa Ayungin Shoal.
Sa isang tweet, sinabi ni Canadian Ambassador to the Philippines Peter Macarthur na dapat sundin ang United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at ang desisyon ng South China Sea Arbitration noong 2016 na sakop natin ang ilang bahagi ng pinag-aagawang teritoryo.
Ganito rin ang naging pahayag nina Ambassador of the French Republic to the Philippines Michele Boccoz, German Ambassador to the Philippines Anke Reiffenstuel at Australian Ambassador to the Philippines Steven Robinson.
Nanawagan din sila sa China na iwasan ang pagsasagawa ng mga hakbangin na magdudulot ng panganib sa Indo-Pacific Region.”
Ayon naman kay Ambassador of Japan to the Philippines Koshikawa Kazuhiko, mariin nilang tinututulan ang anumang pagtatangka ng isang bansa na baguhin ang status quo sa East at South China Sea.