Limang barangay chairman sa lungsod ng Maynila, sinuspinde ng Office of the Ombudsman 

Agad na ipinatupad ni Manila Mayor Isko Moreno ang “suspension order” na inisyu ng Office of the Ombudsman laban sa limang barangay chairman. 

Ito’y dahil nahaharap sa reklamo ang limang barangay chairman kabilang ang grave misconduct, serious dishonesty at abuse of authority. 

Sa kautusan inilabas ni Ombudsman Samuel Martires, suspendido ng anim na buwan ang limang chairman kung saan wala rin silang tatanggaping sahod. 


Kabilang sa mga pinasuspinde ng Ombudsman ay sina Chairman Mario Banal ng Brgy. 123; Chairman Leonard Recto ng Brgy. 11; Chairman Romeo Garcia ng Brgy. 449; Chairman Jonas Bartolome ng Brgy. 418 at Chairman Niño Anthony Magno ng Brgy. 283. 

Pansamantala namang uupo bilang chairman ang number 1 kagawad ng mga barangay na nabanggit bilang kapalit ng mga nasuspindeng limang chairman. 

Facebook Comments