Walang mapagsilan ng tuwa ang limang punong barangay ng lungsod ng Maynila matapos silang makatanggap ng mga relief goods para sa kanilang mga residente.
Ito ay kaunod ng pagkilala sa kanilang komunidad bilang “Eveready Barangay Laging Handa”.
Pinuntahan ng DZXL 558 Radyo Trabaho ang apat na barangay ng Sampaloc, Manila kabilang ang Brgy. 401 sa pamumuno ni Kapitan Allan Antiado at Brgy. 397 na pinamumunuan naman ni Kapitan Tom Dacayo.
Kasama rin ang Brgy. 450 sa pamumuno ni Kapitan Mendrick Mendoza at si Kapitan Joey Albia ng Brgy. 566.
Hindi naman makapaniwala si Kapitan Roberto Mee ng Brgy. 336 ng Sta. Cruz, Manila sa biyayang natanggap para sa kaniyang nasasakupan.
Ang bawat barangay ay binigyan ng 100 pirasong sardinas, tig-48 pirasong meat loaf at karne norte, 146 pirasong noddles at apat na sakong bigas.
Ang “Barangay Laging Handa” ay handog ng DZXL 558 Radyo Trabaho at RMN Networks, katuwang ang Eveready battery, ang battery na mapagkakatiwalaan.