Limang barangay sa Pasig, zero COVID-19 active cases na

46

Inihayag ng Pasig City Heath Office na meron na silang naitalang limang mga barangay sa lungsod ang nag-zero active cases na sa COVID-19.

Batay sa kanilang datos, ito ay ang Barangay Bagong Katipunan, Kapitolyo, San Nicolas, Sta. Rosa, at Sumilang.

Habang ang Barangay Rosario ay ang barangay na may pinakamarami pa ring aktibong kaso sa lungsod, kung saan meron itong 44 na aktibong kaso.


41 naman ang nabawas sa kabuuang active cases sa lungsod, dahilan para bumaba ito sa 231.

Tiniyak naman ng pamahalaang lokal ng Pasig na nananatili sa kanilang mga quarantine facilities ang mga indibidwal na kabilang sa active cases at nakapagsagawa na rin ng contact tracing sa kanilang mga nakahalubilo upang masiguro na hindi na kakalat pa ang virus.

Facebook Comments