Limang bata ang nalunod sa Agno River sa Brgy. Caturay, Bayambang, Pangasinan bandang 4:08 ng hapon noong Pebrero 26, 2026.
Batay sa paunang ulat, naliligo umano ang naturang grupo sa ilog nang tangayin ng malakas na agos. Dalawa ang nakaligtas at agad na humingi ng tulong, habang isang babaeng survivor ang nasa ospital at patuloy na ginagamot.
Tatlong indibidwal ang unang naiulat na nawawala kaya nagsagawa ng search and retrieval operations ang MDRRMO-WASAR Team katuwang ang iba pang sangay ng awtoridad.
Narekober ang unang biktima bandang 5:30 ng hapon, at kinabukasan ay natagpuan ang dalawa pang nalunod.
Ayon sa lokal na pamahalaan, nagpapatuloy ang pagbibigay ng tulong at psychological first aid sa mga apektadong pamilya.
Nagpaalala rin ang mga awtoridad sa publiko na umiwas muna sa pagligo sa ilog dahil sa posibleng panganib. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










