Limang batalyon ng PNP Special Action Force na pinabubuo ng pangulo matatapos na ang pagsasanay at idedeploy sa Mindanao

Nagpapatuloy pa rin ang pagsasanay ng limang bagong batalyon ng PNP special action force na pinabubuo ng Pangulo sa Philippine National Police.

 

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde sasailalim na lamang sa Test mission ang na-recruit na limang batalyon ng PNP SAF Bago matapos sa kanilang training.

 

Pagkatapos aniya ng training ay idedeploy ang mga ito sa Mindanao para tumulong sa militar sa pagtugis sa mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group.


 

Ito ay matapos na ipagutos na ng pangulo nitong weekend sa PNP at AFP ang pag wipe out o pag ubos sa mga miyembro ng ASG dahil sa nangyaring pagsabog sa isang military camp sa Indanan Sulu na ikinamatay ng 8 katao kabilang ang 3 sundalo at pagkasugat ng 12 .

 

Sa kasalukuyan  mayroong tatlong batalyon ng PNP SAF sa Mindanao, isang batalyon nakadeploy sa area ng Basilan at Sulu.

Facebook Comments