Limang bayan sa Catanduanes, tinamaan ng ASF

Matapos ang sunod-sunod na bagyo, tinamaan naman ng African Swine Fever (ASF) ang limang bayan sa lalawigan ng Catanduanes.

Ayon kay Catanduanes Governor Joseph Cua, kabilang sa mga bayan na may naitalang kaso ng ASF ay ang Bato, San Andres, San Miguel, Viga at Virac.

Aniya, Disyembre 7 nang unang maiulat ang pagkamatay ng ilang baboy sa mga lalawigan.


Dahil dito, agad nagpatupad ang Catanduanes ng border control at inspeksyon para sa mga papasok na karneng baboy.

Naniniwala naman si Cua na posibleng galing sa “back door” o ipinuslit lang ang infected na baboy kaya nahawahan ang mga alaga sa Catanduanes.

Matatandaang noong Nobyembre, isa ang Catanduanes sa mga labis na hinagupit ng Bagyong Rolly, na sinundan ng Bagyong Ulysses.

Facebook Comments