LIMANG BAYAN SA PANGASINAN MAHIGPIT NA BINABANTAYAN DAHIL SA BANTA NG BIRD FLU

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Provincial Veterinary Office ng Pangasinan ang limang bayan sa lalawigan dahil sa muling pagkaka-detect ng bird flu sa Brgy. San Bartolome Sto. Tomas, Pampanga.
Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Jovito Tabarejos ang bayan ng Sta. Barbara, Malasiqui, Binalonan, Calasiao at Manaoag ay mahigpit na binabantayan ng ahensya dahil ito ang mga bayang bagsakan ng mga manok sa lalawigan.
Dagdag pa nito, kanilang sinusuring mabuti ang mga ipinapasok na culls kung ang mga ito ba ay kumpleto sa mga dokumentong kailangan upang matiyak na ito ay ligtas sa sakit.

Samantala, nagpasa na rin ng sulat ang ahensya sa Gobernador ng pangasinan para ideklara ang temporary ban ng mga manok mula sa ibang lalawigan. | ifmnews
Facebook Comments