Inilabas na ng Food And Drug Administration ang limang brand ng suka na may halong synthetic acetic acid.
Ilan sa mga ito ay Surebuy Cane Vinegar, Tentay Pinoy Style Vinegar, Tentay Premium Vinegar, Tentay Vinegar Sukang Tunay Asim, at Chef’s flavor vinegar.
Kinumpirma ng FDA na ang mga nasabing brand ng mga suka ay hindi dumaan sa natural na proseso.
Pero nilinaw ng FDA na walang masamang epekto sa kalusugan ang synthetic acetic acid pero mahigpit pa rin itong pinagbabawal sa bansa.
Posibleng mapatawan ng parusa ang mga manufacturer dahil lumabag sila sa panuntunan at regulasyon sa paggawa ng suka.
Facebook Comments