Marawi City – Dahil sa nagpapatuloy na gulo sa Marawi, pinagbigyan ng Kongreso ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa nang limang buwan ang Martial Law sa Mindanao.
Sa resulta ng botohan sa joint session ng Kamara at Senado kahapon – 261 na mga mambabatas ang bumotong pabor habang 18 ang kumontra.
Sa kabuuang bilang, 16 sa mga senador ang nag-yes habang apat ang nag-no kabilang sina Senators Franklin Drilon, Grace Poe, Bam Aquino at Kiko Pangilinan.
Bigo rin si Drilon na malimitahan lang sa 60 araw ang batas militar.
Kinuwestiyon ng senador kung bakit kailangan pa itong palawigin nang limang buwan gayong sa loob lang ng dalawang buwan ay halos nagapi na ang karamihan sa mga terorista.
Sa huli, humingi ng kasiguraduhan ang senate minority na aalisin ang martial law oras na matalo na ang mga terorista at maibalik sa normal ang sitwasyon sa buong mindanao kahit hindi pa tapos ang deadline nito.