Limang cabinet secretaries na tinukoy na may allocables sa 2025 budget, posibleng ipatawag ng Blue Ribbon Committee

Posibleng maipatawag sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ang limang cabinet secretaries na sinasabing may “allocables” na aabot ng bilyon-bilyong piso ang halaga sa ilalim ng 2025 national budget.

Kinumpirma ni Senate President pro-tempore Ping Lacson na base ito sa mga dokumentong nakuha niya mula sa yumaong si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Maria Catalina Cabral.

Tinukoy ni Lacson na kasama sa high-ranking officials na may allocables ay si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na aabot sa P30.5 billion at isang na “ES” na initial na aabot ng P8.3 billion.

Sinabi ng senador na kapag ma-aunthenticate at ma-validate ang mga dokumento ay posibleng ipatawag ang mga cabinet secretaries.

Ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mag-va-validate ng mga dokumento dahil tiyak na may mga files sila para pagtugmain ang mga nasabing impormasyon.

Nilinaw naman ni Lacson na hindi niya alam kung sinong “ES” ang nasa listahan bagamat naunang itinanggi na ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin ang pagkakaroon ng allocables sa 2025 national budget.

Facebook Comments