Sa kabila ng utos ng DOJ na itigil muna ang manhunt operation limang convicts na kasamang napalaya dahil sa GCTA Law ang naaresto ng tracker teams ng NCRPO.
Kinilala ang mga naaresto na sina Ernesto Zaldivar, Rolando Cano, Jose Lozada, Cezar Pingco, at Bonifacio Domingo na pawang mga nahatulan sa kasong rape.
Nahuli ang limang convicts sa operasyon ng NCRPO tracker teams mula sa 26 Police Stations sa Metro Manila.
Ang lima ay kabilang sa mga maling napalaya dahil sa GCTA Law na hindi sumuko matapos ang ibinigay na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte noong September 19.
Facebook Comments