Inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) na mayroon pang limang COVID-19 vaccine manufacturer ang hindi pa nabibigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) sa bansa.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, kasalukuyan pa nilang pinoproseso ang aplikasyon ng mga kompanyang Bharat Biotech ng India, Johnson & Johnson at Sinopharm.
Aniya, noong Enero 22 nang mag-apply ang Bharat Biotech subalit kulang pa ito ng dokumentong magpapatunay sa kanilang good manufacturing practice.
Inaasahan namang matatapos na ng FDA ngayong linggo ang ebalwasyon sa EUA ng Johnson & Johnson na nagpasa ng kanilang aplikasyon noong Marso 31.
Habang hanggang ngayon ay hindi pa rin ibinibigay ng Sinopharm ang kinakailangang dokumento para sa kanilang EUA.
Samantala, posibleng ngayong linggo rin magpasa ng aplikasyon ang Moderna at pagkatapos pa ng ikalawang quarter ng taon ang Novavax.