Limang dating miyembro at tagasuporta ng mga insurgent group sa Region 1 ang nagbalik-loob sa pamahalaan mula Enero 1 hanggang 7, 2026, ayon sa tala ng mga awtoridad.
Sa limang indibidwal, isa ang dating kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) na kusang sumuko, habang dalawa ang dating Communist Terrorist Group supporters at dalawa naman ang Community Financial Organizer (CFO) members na tuluyang tumigil sa pagsuporta sa mga gawain ng insurgency.
Isinagawa ang proseso ng kanilang pagbabalik-loob sa pakikipag-ugnayan ng Police Regional Office 1 sa iba’t ibang ahensya at mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos na dokumentasyon at pagsunod sa umiiral na mga alituntunin.
Ang mga nagbalik-loob ay isinailalim sa kaukulang pagproseso at inirekomenda para sa mga umiiral na programa ng pamahalaan na naglalayong suportahan ang kanilang reintegrasyon sa komunidad at pagbabalik sa normal na pamumuhay.










