Lumahok ang limang kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka mula sa Ilocos Region sa Weekend Market sa Bonifacio Global City sa Taguig, Metro Manila.
Ang paglahok nilang ito ay para sa pag-access sa mas malawak na market linkage para sa mataas na halaga ng commercial crops products ng Ilocos.
Nasa humigit kumulang dalawang daang libo o P270,000 na halaga ng mga produkto ng high value crops ang ibinibenta ng mga magsasaka sa Weekend Market.
Kilo kilong mga ibat ibang produktong agrikultura ng mga magsasaka ang kanilang naibenta sa nasabing event.
Ang marketing event ay nagsilbing daan para sa limang korporasyon at asosasyon ng mga magsaska na ipakilala ang kanilang iba’t ibang mga high value crops na produkto sa mga bagong customer sa highly urbanized na lugar tulad ng De Jesus Oval at 5th Avenue Bonifacio High Street at Bel Air sa Makati City.
Kasama sa marketing event ang Tugui Grande Farmers Association of Bani, mula sa Bani Pangasinan.
Nagbibigay ng suporta sa gawaing ito ay ilang kawani ng Department of Agriculture-Regional Field Office 1 at ilang mga sektor ng agrikultura sa Ilocos Region. |ifmnews
Facebook Comments