Manila, Philippines – May lima pang teroristang banyaga ang natitira sa main battle area sa lungsod ng Marawi.
Ito ang kinumpirma ni Col Romeo Brawner ang Deputy Commander ng Joint Task Force Ranao.
Aniya ang bilang na ito ay kasama sa 30 pang miyembro ng Maute ISIS group na ngayon ay nasa isang gusali na lamang sa main battle area kasama ang ilang babae na asawa ng ilang maute members.
Hanggang kahapon hindi matukoy ng militar kung nabawasan na ang nasa 30 natitirang Maute members.
Hanggang kahapon rin pinagbigyan ng militar ang mga natitirang terorista na sumuko na lamang sa pamamagitan ng kanilang ginagawang loudspeaker operations.
Lalot nakita ng militar na mayroong mga babaeng sniper at mga child warriors na kasama ang mga Maute members.
Facebook Comments