LIMANG KABATAAN SUGATAN SA SALPUKAN NG MOTORSIKLO SA BANI, PANGASINAN

Sugatan ang limang kabataang magkakasakay sa dalawang motorsiklo matapos magsalpukan sa National Road ng Bani, Pangasinan.

Ayon sa paunang imbestigasyon, binabaybay ng isang motorsiklo ang kalsada patungong sa Bolinao, habang paparating naman mula sa kabaligtarang direksyon angisa pang motor. Naganap ang insidente nang sumingit at pumasok sa linya ang isa sa mga motorsiklo.

Dahil sa salpokan, lahat ng nakasakay sa dalawang motorsiklo ay tumilapon at nagtamo ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Agad silang isinugod ng mga rumespondeng MDRRMO personnel sa Western Pangasinan District Hospital.

Parehong nag-negatibo sa alcohol breath test ang dalawang driver, ayon sa attending physician.

Samantala, parehong motorsiklo ay nagtamo ng pinsala na kasalukuyang tinataya at dinala na sa Bani Police Station para sa wastong disposisyon.

Patuloy ang paalala ng awtoridad sa kahalagahan ng pagsusuot ng helmet, pagkakaroon ng wastong lisensya, at pag-iingat sa kalsada upang maiwasan ang kahalintulad na aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments