Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nananatiling sarado ang limang pangunahing kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 1 at 4-A.
Ito’y matapos ang nagdaang Bagyong Florita kung saan nagkaroon ng mga landslides, pagguho ng lupa at mga nasirang kalsada.
Sa ulat ng DPWH Bureau of Maintenance, tatlong kalsada sa CAR, isa sa Region 2, at isa rin sa Region 4-A ang hindi pa madaanan ng mga sasakyan sa ngayon.
Ang mga saradong kalsada sa CAR ay ang Kennon Road; Claveria-Calanasan-Kabugao Road sa Namaltugan, Calanasan, Apayao at Mt. Province – Ilocos Sur via Tue sa Beto Section, Tue, Tadian.
Ang ibang kalasada ay ang Cabagan-Sta. Maria Road, Cabagan Overflow Bridge sa Isabela at Sagbat Pililla Diversion Road sa Baras, Rizal.
Nasa anim na pangunahing kalsada ang naayos na ng DPWH Quick Response Teams at maari na rin madaanan kung saan apat dito ay sa CAR at tig-isa sa Regions 1 at 2.