Kinumpirma ng Department of Health-Center for Health Development 1 na limang kaso ng Omicron Sub Variant BA.5 ang naitala sa Ilocos Region.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, COVID-19 focal person, tatlo sa mga ito ay mula sa Bauang, La Union, isa sa Piddig Ilocos Norte at isa sa Bugallon dito sa Pangasinan.
Lahat ng mga ito ay local cases ayon kay Bobis.
Lumabas ang resulta noong araw ng Huwebes matapos ang isinagawang pagsusuri ng DOH.
Sinabi ni Bobis, ang lahat ng mga kaso ng Omicron Sub Variant BA. 5 ay clinically recovered o gumaling na mula sa sakit.
Dagdag ni Bobis, natapos na rin ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng limang kaso at dumaan sa 14 na isolation.
Dahil sa pagkakaroon ng bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Rehiyon, mainam pa rin ang pagsunod sa minimum public health standards na pinakamabisang paraan upang maiwasan ito o anomang variant ng COVID-19. | ifmnews
Facebook Comments