Arestado ang limang katao sa operasyon ng pulisya laban sa ilegal na pagtatanim ng marijuana sa Sitio Talahib, Barangay Villacorta, Mabini, Pangasinan.
Nahuli umano ang mga suspek habang nag-aalaga at naglalagay ng pataba sa mga tanim na marijuana sa isang 300-square-meter na lugar.
Nasamsam sa operasyon ang mahigit 200 punla ng marijuana, ilang armas, at mga bala.
Isang menor de edad na nasa lugar din ang isinailalim sa kustodiya ng mga awtoridad.
Nahaharap ang mga naarestong indibidwal sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









