Timbog ang limang katao sa buy bust operation ng awtoridad sa Brgy. Salasa, Bugallon, Pangasinan.
Ayon sa awtoridad, nakatanggap sila ng impormasyon sa ilegal na aktibidad sa isang bahay dahilan upang maaktuhan din ang mga suspek sa aktong pot session.
Nakuha rin sa mga suspek ang 10.1 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,680.
Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








