LIMANG KATAO, SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTOR AT GARONG SA BUGALLON; DALAWANG DRIVER, PAREHONG LASING SA INSIDENTE

Sugatan ang limang katao sa matinding banggaan ng motor at garong sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Bolaoen, Bugallon, Pangasinan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, magkasalubong ang dalawang sasakyan nang bigla umanong lumihis sa linya ang garong at sumalpok sa kasalubong na motorsiklo.

Tatlong sakay ng motor ang nasugatan habang pareho ring sugatan ang driver at pasahero ng isa pang sasakyan.

Agad isinugod ang mga biktima sa pagamutan.

Parehong walang plaka ang mga sangkot na sasakyan at walang lisensya ang mga driver.

Sa pagsusuri ng mga doktor, parehong nasa impluwensya ng alak ang dalawang driver sa oras ng insidente.

Nagtamo ng pinsala ang mga sasakyan at patuloy na iniimbestigahan ng pulisya upang matukoy ang halaga at ang kaukulang pananagutan ng mga sangkot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments