Limang kompanyang nagde-develop ng COVID-19 vaccine, planong magsagawa ng clinical trials sa Pilipinas

Limang kompanya na nagde-develop ng bakuna kontra COVID-19 ang nais na magsagawa ng clinical trials sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST)-Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Jaime Montoya, limang potential COVID-19 vaccine na ang naisumite para sa posibleng clinical trials.

Kabilang rito ang Sinovac, Sputnik V, Janssen, Clover Biopharmaceuticals at Astrazeneca.


Para makapagsagawa ng clinical trials Pilipinas, dapat na makakuha ng clearance mula sa vaccine expert panel ng DOST ang mga pharmaceutical company.

Kailangan din ng approval mula sa ethics board at Food and Drug Administration (FDA).

Sa ngayon, ang Sinovac pa lang ng China ang inendorso ng vaccine expert panel sa FDA para sa pagsasagawa ng clinical trial sa bansa.

Facebook Comments