Limang Lalaking Nagnakaw, Nasamsaman ng Shabu, Marijuana’t mga Baril, Mahaharap sa Patung-patong na Kaso!

Angadanan, Isabela- Mahaharap sa patung-patong na kaso ang limang kalalakihan matapos magnakaw, makuhanan ng droga, marijuana at masamsaman pa ng mga baril dakong alas dos y medya ng umaga kanina, September 2, 2018.

Kinilala ang mga nadakip na sina Raymart Panaga, Jasper Delos Reyes, Rey Tapaoan, Erap Encarnacion mga pawang residente ng Brgy. San Fermin Cauayan City at si Jeric Ramirez na residente naman ng Brgy. Bannawag Sur, Santiago City.

Batay sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan, una umanong nakatanggap ng ulat ang tanggapan ng PNP Angadanan tungkol sa pagtangay ng mga suspek sa batteries ng sasakyan sa brgy. Baniket Angadanan Isabela kaya’t agad naman silang nagsagawa ng hot pursuit operation.


Dahil dito ay agad namang nahuli ang limang sangkot at ng sila ay kapkapan ay nakumpiska mula sa kanilang pag-iingat ang limang plastic sachet ng white Crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, sampung piraso ng rolled paper ng marijuana, isang Caliber 5.56 pistol na may anim na bala, isang Caliber 22 pistol na may labing anim nab ala, baterya ng sasakyan at tatlong pole clip ng baterya ng sasakyan.

Agad namang dinakip ang ng kapulisan mga suspek at ngayon ay nasa himpilan na ng PNP Angadanan kung saan ay mahaharap sa kasong Paglabas sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, Paglabas sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at kasong pagnanakaw

Facebook Comments