Limang lugar sa bansa, nakitaan ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 2 linggo – DOH

Tinukoy ng Department of Health (DOH) na limang lugar sa bansa ang nakitaan ng positive growth rates nitong nakaraang isa hanggang dalawang linggo.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakapagtala ang Iligan City ng two-week positive growth rate na 237.5 percent; 100 percent naman sa Olongapo City, 50 percent sa Camiguin; 40 percent sa Tawi-Tawi, at 75 percent sa Aklan.

Aniya, maaaring ang mataas na growth rate ay dahil sa “small baseline number” ng limang lugar.


Nilinaw naman ni Vergeire na nananatili sa ilalim ng low-risk classification sa COVID-19 ang mga naturang lugar bukod sa Iligan City, na nasa moderate risk classification.

Habang nasa ilalim ng Alert Level 2 ang lahat ng lugar sa bansa.

Facebook Comments