Limang lungsod sa Metro Manila, nanguna sa pinakamataas na naitalang kaso ng COVID-19 kahapon

Nanguna ang limang lungsod sa Metro Manila sa may pinakamataas na bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon.

Batay sa inilabas na datos ni Dr. Guido David ng OCTA Research Team, nangunguna ang Quezon City na mayroong 879 cases habang pumangalawa ang Maynila na may 551 cases.

Pangatlo sa listahan ang Caloocan City na may 482 cases, sinundan ng Pasig City na may 411 cases at Makati na may 364.


Kasama din sa listahan ang iba’t-ibang lungsod sa labas ng Metro Manila tulad ng; Bacoor sa Cavite na may 341 cases, Cebu City sa Cebu na may 340 cases at Davao City sa Davao del Sur na may 333 cases.

Matatandaang umabot sa 17,231 bagong kaso ng COVID-19 cases ang naitala ng Department of Health (DOH) kahapon.

Inihayag din ng DOH na posibleng umakyat sa mahigit 83,000 ang active cases National Capital Region (NCR) bago matapos ang buwan ng Agosto.

Facebook Comments