Ayon sa OCTA Research Group patuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 na naitatala sa Metro Manila batay sa pag-aaral ng OCTA Research Group.
Sa katunayan, nasa low risk na ang limang lungsod.
Ayon kay Dr. Guido David, fellow ng OCTA Research team, kabilang dito ang lungsod ng Caloocan, Pateros, Navotas,Taguig at Marikina.
Mas mababa na sa 10% ang average attack rate (ADAR) ng nabanggit na mga lungsod.
Ang Navotas ay zero na ang naitala sa kanilang health care utilization rate.
Ang nalalabing mga lungsod naman sa NCR ay nasa moderate risk na.
Facebook Comments