Limang mag-anak na brutal na pinatay sa San Jose Del Monte, Bulacan, inilibing na

Manila, Philippines – Naging madamdamin ang paghahatid sa libing ng limang miyembro ng pamilya Carlos na minasaker sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Pasado alas syete ng umaga ng dalhin sa St. Joseph the Worker Church sa Bulacan ang labi ng limang mag-anak na pinatay nuong a-bente syete ng hunyo.

Sa simbahan palang kaninang alas nuebe hindi na mapigilan ng nabiyudong si Dexter Carlos ang maiyak habang isinasagawa ang isang misa.


Bandang alas onse nang dalhin ang mga labi sa citrus public cemetery sa nabanggit na lungsod.

Kabilang sa mga nakilibing sa pamilya Carlos ang kanilang kaanak, kaibigan, kanilang alkalde at kongresista gayundin ang ilang miyembro ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC).

Kahapon sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa huling lamay – nangako ito ng hustisya sa pamilya Carlos at tiniyak na mananagot ang nasa likod ng krimen.

Facebook Comments